PNP Quirino, Ipinagmalaki ang Kapayapaan at Katahimikan sa Kanilang Bayan!

Quirino, Isabela- Ipinagmalaki ng PNP Quirino ang katahimikan at kapayapaan sa kanilang bayan batay sa kanilang ginagawang pagbabantay sa kanilang nasasakupan.

Ito ang impormasyong ibinahagi ng Police Senior Inspector Rostum Ortiguero, ang hepe ng PNP Quirino sa RMN Cauayan sa kanyang naging pagdalo sa programang Sentro Serbisyo.

Inihayag ni PSI Ortiguera na mula unamo noong buwan ng Enero hanggang sa ngayon ay mayroon lamang umano silang natitalang walong index crime habang siyam naman ang kanilang none index crime.


Sinabi pa nito na karamihan lamang umano sa mga naitatalang insidente sa kanilang bayan ay mga aksidente sa kalsada.

Dagdag pa niya ay puspusan din umano nilang tinututukan ang illegal Gambling sa kanilang bayan at nilinaw pa nito na bawal din umano ang sugal kahit sa mga lamay at kung sino man ang mahuhuli ay papatawan parin ngt kaukulang kaparusahan.

Samantala, Inihayag din nito ang bagong kampanya ng kapulisan patungkol sa kanilang programang PNP Campaign Plan Clean Rider kung saan ay layunin nitong siguruhing ligtas ang kapaligiran partikular ang mga lansangan kaugnay sa mga riding and tandem.

Aniya ay pormal umanong ilulunsad ang kanilang bagong programa sa ika-labing lima ng September ngayong taon kung saan ay maaaring maging miyembro naman umano ang mga may ari ng motorsiklo at mga residenteng hindi sangkot sa kriminalidad.

Paliwanag pa ni PSI Ortiguero ay malaki ang maitutulong nito at magbibigay sila ng mga sticker sa mga may ari ng motorsiklong nainspeksyon na para hindi na din umano sila mahirapan sa mga check point.

Facebook Comments