PNP, ramdom checking na lamang ang gagawin sa ilang checkpoints sa NCR

Plano na lamang magsagawa ng ramdom checking at inspection ang Philippine National Police (PNP) sa mga checkpoints sa Metro Manila kasabay ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ay matapos bawasan ang bilang ng mga pulis na naka-duty sa mga checkpoint dahil ipinakalat ang ibang mga pulis sa ilang vaccination sites at ECQ ayuda distribution sites.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, sa halip na alisin ang mga checkpoints, skeleton force na lamang ang ilalagay para mag-inspeksyon.


Pero tiniyak ni Eleazar na kapag hindi rush hour ay regular checking ang kanilang gagawin para na rin hindi magdulot ng mabagal na daloy ng trapiko lalo sa mga pangunahing lungsod sa Metro Manila.

Facebook Comments