Cauayan City, Isabela- Lalo pang pinaigting ng pwersa ng Police Regional Office (PRO) 2 ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Lambak ng Cagayan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLtCol Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO2, hinigpitan pa aniya ng bawat hanay ng kapulisan ang pagbabantay sa mga quarantine checkpoints sa mga entry at exit point o boundary ng bawat bayan.
Hindi aniya pinapayagang bumyahe ang mga unauthorized persons outside residence bilang bahagi ng mas pinahigpit na ECQ.
Mahigpit rin na ipinapatupad ang curfew hour at liqour ban sa rehiyon na kabilang sa mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinag-iingat ang publiko at pinapaalalahanan na sumunod sa panawagan ng pamahalaan na manatili muna sa loob ng bahay para maiwasan ang pagkahawa at mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit.