Naka full alert na ngayon ang PNP Regional at Provincial Mobile Force sa mga lugar na tumbok ng bagyong Tisoy.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac ang mga pulis na ito ang tumutulong ngayon sa isinasagawang pre-emptive evacuation partikular sa ilang lugar sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Bukod dito, pinagana na rin ng PNP ang National Headquarters battle Staff para sa command control at disaster response preparation.
Activated na rin regional reactionary standard support forces at regional search and rescue units.
Maging ang PNP SAF, Maritime group, PNP Highway Patrol group, Police Community Protection Group o PCRG ay naka alerto rin para tumulong sa mga maapektuhan ng bagyo.
Tiniyak naman ni Brig. Gen. Banac na hindi pa rin nila papabayaan ang pagbabantay sa publiko kontra sa mga criminal elements.