Pagpapataw ng buwis sa single use plastic, tinalakay na sa Kamara

74

 

Tinalakay na sa House Committee on Ways and Means ang panukala na nagpapataw ng buwis sa single-use plastic.


 

Sa ilalim ng House Bill 178 na inihain nila Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing at Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing, hinihiling dito ang pagpapataw ng P10 excise tax sabawat kilo ng single-use plastic simula January 1, 2020.

 

Ayon kay Suansing, layunin ng panukala na makalikom ng dagdag na kita sa pamahalaan na gagamitin naman sa mga proyekto at programa para sa solid waste management.

 

Pero iginiit naman ni House Minority Leader Benny Abante na sa halip na pagpapataw ng excise tax sa single-used plastic bag ay dapat na magkaroon ng total ban dito.

 

Inirekomenda naman ni Philippine Plastic Industry Association President Willy Go na kailangang pag-aralan muna ng mabuti ang panukala dahil sa economic impact nito.

 

Naniniwalasi Go nakapag natuloy ang pagpapataw ng buwis sa single-used plastic ay ipapasa ang ginastos ng mga manufacturers sa mga consumers.

 

Naniniwala rin si Go na hindi na kakailanganin ang pagbubuwis sa single-used plastic kapag na aprubahan ang mga panukala na magkaroon ng total ban sa mga plastic.




 

Iginiit ng mga ito na kahit anong pagbubuwis na gawin ng pamahalaan ang kailangan ay palakasinang information and education campaign sa publiko sa negatibong epekto ng plastic sa tao at sa kapaligiran.

Facebook Comments