Reina Mercedes, Isabela- Abala sa ngayon ang PNP Reina Mercedes sa mga isinasagawang aktibidad para sa nalalapit na Barangay at SK Eleksyon.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Michael Esteban, hepe ng PNP Reina Mercedes sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.
Ayon kay PSI Esteban, abala umano ang kanilang himpilan sa Pagbabaklas ng mga Posters ng mga kandidato na nakalagay sa hindi tamang lugar at Nagsagawa rin umano ang kanilang bayan ng Peace Covenant nitong ika anim ng Mayo na nilalayong maging patas ang mga kandidato ngayong halalan.
Ayon pa kay PSI Esteban, marami umano ang kanilang mga nabaklas na tarpaulins kaya’t pinayuhan ngayon ni PSI Esteban ang mga kumakandidato na mas mabuting magtungo nalang sa tanggapan ng COMELEC upang tanungin ang mga “DO’s and DON’T’s” sa paglalagay ng mga posters.
Bukod pa rito, ay nagsagawa rin umano ang kanilang himpilan ng “Oplan Katok” lalo na sa mga kumakandidato sa naturang bayan na may mga armas.
Samantala, Patuloy pa rin umano ang kanilang pagbibigay seguridad at mas pinaigting pa ang kanilang pagbabantay upang maiwasan ang mga insidenteng pwedeng mangyari ngayong Barangay at SK Eleksyon.