PNP sa Region 4, nagdagdag pa ng mga tauhan para i-deploy sa mga lockdown areas at Evacuation Centers sa Batangas

44

Dadagdagan pa ng Police Regional Office 4-A ang mga pulis na idedeploy sa ilang lugar sa Batangas habang may banta pa ng pag-aalburuto ang Bulkang Taal.

Dumating na kahapon sa Camp General Miguel Malvar sa Batangas City ang Augmentation Support mula sa iba’t ibang Units ng PNP.


Partikular na itatalaga ang mga pulis sa mga Evacuation centers bilang dagdag na security at sa mga lockdown areas sa Batangas.

Mula nang ipatupad ang total lockdown sa mga Danger Zone Areas, mas naging agresibo ang mga residente na bumalik sa kanilang mga bahay para bisitahin at pakainin ang mga alagang hayop.

Sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad sa mga kalsada na papasok sa mga bawal na lugar ay nagawa pa ring makapuslit ang mga residente.

Facebook Comments