San Agustin, Isabela- Mahigpit parin sa pagtutok ang PNP San Agustin sa kanilang kampanya kontra iligal na droga upang matiyak na maging malinis ang kanilang bayan hinggil sa ipinagbabawal na droga.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay SPO4 Jay Erick Juan, ang Municipal Executive Police Officer ng San Agustin PNP ay sinabi nito na hindi umano tumitigil ang kanilang himpilan sa pagkilos upang tiyakin na malinis ang kanilang bayan sa droga.
Ayon sa kanya, mula umano sa 23 barangays sa kanilang bayan ay pito rito ang drug free habang mayroon naman umanong kabuuang bilang na 144 ang kanilang mga tokhang responders.
Dagdag pa rito ay tapos na umanong sumailalim sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP) ang 116 na tokhang responders habang kasalukuyan na umano sa 2nd batch ang labing labing pito at aniya ay mayroon din umanong labing isa na hindi na mahanap dahil sa lumipat na ng kanilang tirahan at nangibangbansa na din umano ang ilan dito.
Sa ngayon ay patuloy naman ang ginagawang monitoring ng kapulisan upang mabantayan ang mga gawain ng mga tokhang responders samantala, sibi pa ni SPO4 Juan na mayroon umano silang isa na nahuling bumalik da pagdodroga kaya’t agad din umano itong dinakip at sinampahan na ng kaukulang kaso.