PNP Santiago City, Nagbigay Babala

Santiago City, Isabela – Pinaalalahanan ng PNP Santiago City ang kanilang mamamayan na maging maingat at alerto sa mga magnanakaw lalo na sa mga matataong lugar at sa ibat ibat pamilihan ng lungsod.

Ito ang tinuran ni Santiago Police Station II Commander PCI Reynaldo Maggay kaugnay sa patuloy na pagdagsa ng mga mamimili at turista sa mga lugar pasyalan gaya ng Christmas Village at mga pampublikong pamilihan sa lungsod.

Pinayuhan din ng hepe ang mga tutungo sa mga resorts na huwag magdala ng mga inuming nakalalasing at mga patalim upang maiwasan ang anumang insidente.


Tiniyak naman ng hepe na patuloy ang kanilang bente kwatro oras na pagmamanman at operasyon sa pangunguna ni Deputy Station Commander PSI Jose Cabaddu upang mapangalagaan ang seguridad ng mamamayan sa ibat-ibang bahagi ng lungsod ngayong kapaskuhan.

Pinayuhan din ang mga mamamayan na makiisa at gabayan ang kanilang mga anak upang hindi sila maging biktima ng paputok para makamit ang zero casualty sa lungsod ngayong selebrasyon ng pasko at bagong taon.

Facebook Comments