PCI Maggay ng SCPO 1, Pabor na ibaba ang age of criminal liability!

64

*Santiago City- *Sang-ayon si Police Chief Inspector Reynaldo Maggay, hepe ng Santiago City Police Station 1 sa ipinapanukalang batas na ibaba sa 9 na taong gulang ang age of criminal liability mula sa 15 taong gulang.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay PCI Maggay, malaking tulong anya kung maaprubahan ang panukala dahil na rin sa pagkakasangkot sa krimen ng mga nasa murang edad o kabataan.

Bagamat bilang pa lamang anya ang mga menor de edad na nakakagawa ng krimen sa Lungsod ng Santiago kumpara noong mga nakalipas na taon ay mas mainam na mabantayan at maiwasan pa rin ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang maigting na police visibility.

Nilinaw naman ng hepe na wala pa namang naitalang kawatan na gumagamit ng mga menor de edad upang gumawa ng krimen.

Samantala, patuloy pa rin anya ang kanilang mga isinasagawang operasyon para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng Lungsod ng Santiago.

Facebook Comments