Pagkakaroon ng Alternate Route sa Lungsod ng Cauayan, Ipinapanukala!

Cauayan City, Isabela- Ipinapanukala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Isabela 3rd District Engineering Office (DEO) na magkaroon ng alternate route sa Lungsod ng Cauayan sa bahagi ng Santa Luciana patungong San Pablo Bridge na konektado pa rin sa National road.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni District Engineer Editha Babaran ng 3rd DEO bilang bahagi sa kanilang proyekto ngayong taon.

Isa pa lamang itong panukala dahil wala pa umanong inilaan na pondo para sa naturang mungkahi.


Kaugnay nito ay inaaral na ito ng DPWH Regional Office para mabigyan na ng alokasayon ang nasabing proyekto.

Samantala, pinaalalahanan naman ng tanggapan ng DPWH ang mga motorista na maging responsable sa pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente.

Facebook Comments