PNP Santiago City, Police Station 1 may Bagong Hepe na!

234

Santiago City, Isabela – Itinalaga na ang bagong Chief ng PNP Santiago, Police Station 1, na si Police Chief Inspector Reynaldo Maggay.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Reynaldo Maggay, naging mapayapa at wala umanong naitalang biktima ng paputok at ligaw na bala sa lungsod sa pagsalubong sa bagong taon. Bumaba din aniya ang bilang ng mga insidente ng karahasan at pagnanakaw kumpara sa mga nagdaang taon.

Ayon pa kay PCI Maggay, binubuo ng labingwalong barangay ang Police Station 1 ng PNP Santiago habang labingsiyam naman sa Police Station 2 at lalo umano nilang paiigtingin ang pakikisama sa Police Station 2 sa lungsod ng Santiago.

Dagdag pa ng bagong hepe, itutuloy niya ang pagsulong sa programa kontra iligal na droga, isasama ang internal cleansing program para sa mga pulis at pahusayin ang pamamahala ng mga otoridad sa lungsod.

Facebook Comments

From Advertisers