PNP, sinigurong nasusunod ang human rights sa bawat ikinakasa nilang operasyon

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagtalima nila sa karapatang pantao.

Sa mensahe ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa paggunita ng Human Rights Consciousness Week, binigyang diin nito ang patuloy na pagganap ng tungkulin ng mga pulis na may respeto sa karapatang pantao.

Aniya, isa sa mga mandato ng Pambansang Pulisya ang pagtatanggol ng karapatang pantao kaya makakaasa ang publiko sa tapat nilang trabaho.


Wala aniyang lugar sa PNP ang torture at iba pang mga hindi makataong pagtrato sa mga akusado.

Mananatili aniyang committed ang kapulisan sa kanilang kampanya na MMK = K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.

Facebook Comments