MANILA – Tinyak ng palasyo ng Malacañang na ginagawa ng Philippine National Police ang lahat para walang madamay na inosente sakanilang mga operasyon laban sa iligal na droga sa bansaIto ang sinabi ng malacanang sa harap na rin ng pangamba ng volunteers against crime and corruption (vacc) sa mga nadadamay na inosenteng sibilyan sa mga anti-drug operations ng pnp.Ayon kay presidential spokesman ernesto abella, mismong si pangulong rodrigo duterte ang nagsabi na iwasan ang anumang pinsala sa tuwing mayroong operasyon ang pulisya.Binigyang diin din naman ni abella na lahat ng operasyon ng pnp ay sumusunod sa itinakda ng batas.Possible din naman aniyang mapagusapan sa cabinet meeting ang pagbibigay ng ayuda sa pamilya ng mga madadamay sa anti-drug war ng gobyerno.
Pnp, Sinisikap Na Walang Madamay Na Inosente Sa Kanilang Mga Anti-Drug Operations Ayon Sa Malacanang
Facebook Comments