Manila, Philippines – Sisimulan na ng Philippine National Police ang pagpapakalat sa kanilang mga tauhan at augmentation forces sa 21 ahensya ng gobyerno simula ngayong araw.
Ito ay para sa pagtiyak sa seguridad ng isasagawang ika-30 ASEAN Summit.
Ngayong araw ay inaasahang magsisimula ang pagdating sa bansa ng iba’t ibang heads of state mula sa anim na bansang kasapi ng ASEAN.
Kasabay nito, sinigurado ni NCRPO Director Oscar Albayalde na wala silang namo-monitor na banta ng terorismo sa ASEAN Summit.
Sabi pa ni Albayalde, wala ring isasarang lansangan, maliban na lang sa mga kalye sa Cultural Center of the Philippines o CCP at Philippine International Convention Center o PICC.
DZXL558
Facebook Comments