PNP, sisimulan na bukas ang pagbabakuna sa A4 category sa kanilang hanay

Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng bakunahan sa mga A4 category sa kanilang hanay.

Ito ay matapos na makatanggap na ng bagong supply ng bakuna.

Ayon kay PNP Spokesman Police BGen. Ronaldo Olay, bukas ng alas-9:30 ng umaga nila sisimula ang pagbabakuna.


Aniya, unang babakunahan si PNP Chief Police General Guillermo Eleazar kasama ang kanyang command group.

Samantala, inutos naman ni Eleazar sa kanyang mga tauhan na makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) para matukoy kung may nakalaang bakuna sa mga pulis at agad magpabakuna at huwag nang hintayin ang panibagong supply na darating sa PNP.

Batay sa datos ng PNP, mayroon nang mahigit 17,000 pulis ang nabakunahan na ng unang dose kung saan mahigit 11,000 dito ay nakakumpleto na ng second dose.

Facebook Comments