PNP, sisitahin na ang mga nagsasagawa ng Public Display of Affection tulad ng ‘kissing’ at ‘holding hands’, dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) para sa mga mag-asawa at in a relationship na bawal na ang Public Display of Affection (PDA).

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, inutusan na ang mga pulis na sakaling may makitang may PDA ay agad itong sitahin.


Kasama na rito ang halikan sa pampublikong lugar, holding hands at yakapan.

Bukod sa mga mag-asawa at in a relationship, sakop din ng paninita ng PNP ang mga miyembro ng pamilya at mga magkaibigan.

Paliwanag ni Usana, kahit sino ay pwedeng magdala ng virus kaya mas mabuti na maging maingat.

Samantala, paalala ulit ng PNP sa publiko na sumunod sa health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Sa ganito paraan aniya, maipapakita ang pagmamahal sa ating pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.

Facebook Comments