Nagbaba ng direktiba ang Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa mga bawal gawin ng mga security guard na naka-duty ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay PNP-SOSIA Director PBGen. Gregory Bogñalbal, bawal na bawal ang pagsusuot ng Christmas costume ng mga security guard.
Kasama na rito ang Santa Claus costume at iba pa.
Paliwanag ni Bogñabal, posible kasing mag-disguise ang mga kriminal at malusutan ang mga nagbabantay sa mall, gayundin din sa mga terminal at iba pa.
Maliban dito, bawal din ang paggawa ng ibang trabaho ng mga security guard na labas sa kanilang tungkulin kasama na rang pagiging utility, parking attendant, service crew at janitor.
Giit ni Bogñalbal, bilang force multiplier ng mga PNP, dapat ay maging epektibo ang mga security guard sa pagbabantay ng seguridad.