PNP Spokesperson, BGen. Bernard Banac, balik trabaho na

Balik na sa duty si Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac matapos na maka-fully recover sa kanyang “back injury”.

Matatandaang si Banac ay isa sa pitong opisyal na kasama ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa nang bumagsak ang sina sasakyan nilang helicopter habang pa take-off sa San Pedro, Laguna noong Marso 5.

Si PNP Chief ang unang na-discharge mula sa kanyang pagkaka-ospital matapos ang aksidente at noon pang Marso 9 nakabalik sa trabaho.


Ang dalawang pinaka malubhang sugatan sa insidente na sina PNP Director for Comptrollership Police Majot General Jovic Ramos at PNP Director for Intelligence Police Major General Mariel Magaway, ay nananatiling nasa maselang kondisyon sa ospital.

Sa isang text message sa mga reporters sa Camp Crame, sinabi ni Banac na epektibo ngayong araw ay nag-report na siya for Duty.

Pansamantalang humalili sa kanya bilang tagapagsalita ng PNP sa mga nakalipas na araw ang kanyang boss na si PNP Director for Police Community Relations Police Major General Benigno Durana.

Facebook Comments