PNP, standby na para sa pagpapatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon

Naka-antabay na ang Philippine National Police (PNP) sa ihahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang televised speech ngayong araw.

May kaugnayan ito sa deklarasyong enhanced community quarantine na ipatutupad sa buong luzon dahil pa rin sa banta ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations P/Ltg. Guillermo Eleazar, magpapatuloy lang ang ginagawa nilang security measures tulad ng paglalatag ng quarantine checkpoints sa mga lagusan papasok at palabas ng Metro Manila.


Batay sa inilabas na guidelines ng Malacañang nitong Sabado, sa ilalim ng enhanced community quarantine, suspendido ang lahat ng biyahe ng mga transportasyon at bawal na ring lumabas ng bahay ang sinumang indibiduwal

Lilimitahan din ang suplay ng pagkain at health service upang maiwasan ang pagkakaroon ng panic buying.

Palalakasin din ang presensya ng pulisya at militar para sa mahigpit na pagpapatupad ng Community Quarantine sa mga komunidad

Facebook Comments