PNP, suportado ang rekomendasyon ng militar na magdeklara ng Martial Law sa Sulu

Sinusuportahan ng Philippine National Police (PNP) ang rekomendasyon ni Philippine Army Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na pairalin ang Martial Law sa Sulu.

Ito ay matapos ang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 16 kabilang ang dalawang suicide bomber.

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, ang Batas Militar ay makatutulong sa mga awtoridad na makontrol ang galaw ng threat groups sa buong Sulu para hindi na muling makapaghasik ng terorismo.


Samantala, pinakilos na rin ni PNP Chief ang Philippine Bomb Data Center (PBDC) at PNP Crime Laboratory para magbigay ng technical support sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa nangyaring mga pagsabog.

Sinabi ni Gamboa, matutukoy ng PBDC ang bomb signature na ginamit sa pagsabog sa Sulu mula sa mga ebidensyang nakuha ng PNP Crime Laboratory sa pinangyarihan ng explosion.

Facebook Comments