PNP, suportado ang squad system para mas ma-monitor ang kilos at ugali ng mga pulis ngayong may pandemiya

Sang-ayon si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa pahayag ni Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na bumuo ng squad system sa PNP para mas ma-monitor ang moral at spiritual values ng mga pulis.

Ito ay dahil pa rin sa pandemya kung saan maraming pulis ang hindi nakakauwi sa kanilang pamilya sa takot na makahawa ng COVID-19.

Ayon kay Eleazar, batay sa system groups, bubuo ng isang squad at magtatalaga ng isang leader na sasanay at magpapayo sa kanila sa oras na kailangan nila ito.


Para kay PNP Chief, malaking tulong ito sa pag-monitor ng pag-uugali at kinikilos ng mga pulis, lalo na ngayong pandemya kung saan marami ang nakakaranas ng depression at iba pang mental health issue.

Ang bawat squad leaders aniya ay dapat walang rekord na kahit na anumang minor offenses para mas maging epektibo ang squad system.

Kaugnay nito, inatasan na ni Eleazar ang PNP Chaplain Service at ang Directorate for Personnel and Records Management na i-review ang mga protocol para sa Squad System dahil nais niyang strikto itong maipatupad sa mga police offices at units na bahagi ng internal cleansing effort ng PNP.

Facebook Comments