Manila, Philippines – Susunod lamang ang Philippine National Police (PNP) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na magdedeklara pa ang pamahalaan ng ceasefire sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army ngayong Christmas season.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, sa ngayon gagawa sila ng kinakailangang guidelines para masunod ng maayos ang direktiba ng Pangulo.
Aniya sa ngayon, mananatili ang kanilang focus na panatilihin ang peace and order sa buong bansa. Ipagpapatuloy lamang aniya nila ang combat patrol at anti insurgency operation.
Nanindigan rin si Carlos na mananatili ang kanilang stand na hindi sila makikipag-negotiate o makikipag-deal sa kahit anong teroristang grupo lalot itinuturing ng terorista ng Pangulo ang New People’s Army.