PNP, susunod sa “chain of command” sa harap ng planong imbestigasyon ng ICC

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na susunod ito sa “chain of command” matapos na hilingin ng International Criminal Court (ICC) na maipagpatuloy ang imbestigasyon nito sa umano’y extrajudicial killing sa bansa.

Sabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar, nakatutok sila sa kanilang trabaho at kung mayroon mang paglabag ay may sarili silang mekanismo para parusahan ang mga tiwaling pulis.

Aniya, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatutok pagdating sa international issues.


Giit pa ng PNP Chief, wala silang polisiya na pumatay o manakit ng sinuman kung hindi ito base sa self-defense.

Makailang ulit nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kailanman makikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC ukol sa sinasabing EJK sa drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments