PNP-Taguig, dumipensa sa hindi nasunod na social distancing sa selebrasyon ng pagtatapos ng Eid’l Fitr sa Blue Mosque

Hindi nagkulang ang mga opisyal ng barangay sa Barangay Maharlika, isang komunidad ng mga Muslim sa Taguig City para magpaalala sa limitadong mass gathering para sa selebrasyon ng pagtatapos ng Eid’l Fitr.

Ayon kay Lt. Col. Renato Jaime, Assistant Chief for Operations ng PNP-Taguig, nag-ikot kahapon ang mga opisyal ng barangay para magpaalala na huwag nang magtipon-tipon sa Blue Mosque bilang pag-iingat sa posibleng hawahan ng COVID-19.

30% lamang sana ng kabuuang kapasidad ng Blue Mosque ang papayagang ma-okupa pero madaling araw pa lang ay punuan na ang mosque na may crowd estimate na 200 katao.


Ito’y maliban pa sa crowd sa labas ng Blue Mosque na may estimated na 500 katao.

Dahil dito, dikit-dikit na ang mga kababayan nating Muslim na itinuloy ang kanilang morning prayer.

Naging maayos naman ang pagtatapos ng aktibidad na agad ding nag-disperse pasado alas-7:00 ng umaga kanina.

Facebook Comments