PNP, tahasang itinanggi ang paratang ni Pastor Quiboloy na nagsasabwatan ang US at Phil. Gov’t para siya ay patayin

 

Mariing pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang paratang ni Kingdom of Jesus Christ founder at leader Pastor Apollo Quiboloy na nagsasabwatan ang Philippine at US government para siya ay likidahin.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, hindi nila alam kung saan nakuha ni Pastor Quiboloy ang kanyang impormasyon.

Matatandaang sa audio recording ni Quiboloy sinabi nito na base sa kanya umanong “reliable source” nagsasabwatan ang US at Philippine government para siya ay i-eliminate sa pamamagitan ng rendition o assassination.


Sa ngayon ani Fajardo, walang namomonitor ang PNP na banta sa buhay ni Quiboloy pero magkagayunman nakahanda pa rin ang Pambansang Pulisya na bigyang seguridad si Quiboloy.

Si Quiboloy ay una nang kinasuhan ng federal grand jury ng Santa, Ana California para sa conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud, and coercion and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy and bulk cash smuggling.

Inaasahan naman ang pagharap nito sa Senado sa March 5.

Facebook Comments