PNP tanggap ang pahayag na talamak pa rin ang recycling ng illegal drugs ng mga tiwaling pulis

Hindi kinontra ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na talamak pa rin ang ginagawang recycling ng iligal na droga ng mga tiwaling pulis sa bansa.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, ito ang dahilan kung bakit relentless o walang tigil ang PNP sa kanilang ikinakasang internal cleansing program sa hanay ng mga pulis.

Gumagawa aniya ng paraan ang PNP para tuluyan nang matigil ang mga katiwalian sa kanilang hanay lalo at inaasahan na sila ang unang susunod sa batas dahil sila ang nagpapatupad ng batas.


Siniguro ni Banac na hindi titigil ang pamunuan ng PNP hangga’t hindi nasasampahan ng kaso ang lahat ng tiwaling pulis.

Sa Senate hearing kahapon inihayag sa mismo ni PDEA Director General Aquino ang problema pa rin sa recycling ng iligal na droga ng mga tiwaling pulis.

Ito ay sa harap ng madugong war on drugs ng Duterte administration.

Partikular na tinukoy ni Aquino ang pagbebenta ng mga tiwaling pulis ng mga nakukumpiskang droga sa tinatawag na drug queen sa lungsod ng Maynila.

Batay sa rekord ng PNP simula 2016 mahigit 400 pulis na ang natanggal sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments