
Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng integrasyon ng mga electric vehicle o EVs sa mga sasakyan ng kapulisan sa gitna ito ng potensyal na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., tinitingnan nito ang tensyon sa Middle East bilang wake-up call para suriin muli ang polisiya sa patrol vehicle procurement.
Ngunit aniya kailangan munang magsagawa ng sariling pag-aaral at assesment kung ang electric vehicle ay praktikal, maasahan at angkop sa pang-araw-araw na routine ng mga personnel na nasa ground.
Nauna nang nagbabala ang mga eksperto patungkol sa posibleng pagtagal ng kaguluhan sa Middle East na makakaapekto sa global oil trade at kalaunan ay magreresulta sa pagtaas ng mga produktong petrolyo.
Tiniyak naman ni Nartatez na hindi makokompermiso ang mga operasyon ng kapulisan habang pinag-aaralan pa ang paggamit ng nasabing mga EVs.










