Monday, March 2, 2026

PNP, tinitingnan ang pagdagdag ng mga babaeng frontliners para humawak ng mga VAWC cases

Tinitingnan ng Philippine National Police (PNP) ang pagde-deploy ng mas maraming babaeng officers sa frontline para hawakan ang tumataas na kaso ng Violence Against Women and their Children o VAWC reports na natatanggap ng unified 911.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagtaas ng bilang ng mga tawag na natatangap ng pambansang emergency hotline ay nagpapakita lamang ng tiwala ng publiko sa sistema.

Batay sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG), maraming babae ang tumatawag sa unified 911 system para mag-report ng mga VAWC incidents.

Mula sa 5,000 tawag patungkol sa VAWC noong 2025, nakakatanggap ang 911 hotline ng nasa 300 hanggang 500 VAWC calls kada buwan.

Dagdag pa ni Nartatez, sa pagdagdag ng mas maraming babaeng pulis, inaasahang mararamdaman ng mga biktima ang mas ligtas na paghingi ng tulong.

Facebook Comments