PNP, tiniyak ang kooperasyon matapos ang utos ng pangulo na magsagawa ng drug war review kasama ang DOJ

Dadalo si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar sa pagpupulong kasama si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.

Ito ay matapos na iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP at DOJ na magsagawa ng drug war review sa kaniyang speech kahapon sa United Nations General Assembly (UNGA).

Ayon kay PNP chief, naghihintay na lang siya ng schedule para sa pulong.


Makakaasa aniya ang pangulo at ang publiko sa kanilang kooperasyon para sa gagawing review.

Matatandaang sa nakalipas na review na ginawa ng PNP at DOJ, 53 drug cases ang kanilang nasumite pero hindi pa isinasapubliko, kasama aniya ito sa kanilang pag-uusapan ng DOJ.

Facebook Comments