PNP, tiniyak ang seguridad ng Foreign Delegates kahit tapos na ang 2019 SEA Games

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi magtatapos sa closing ceremony ng 30th Southeast Asian Games ang pagprotekta sa foreign delegates sa bansa.

Ito ang pahayag ng PNP matapos abisuhan ang mga atleta, games officials, at bisita ng SEA Games na mayroong travel arrangements sa ibang bansa.

Ayon kay PNP OIC, Lt/Gen. Archie Gamboa, hindi matatapos ang kanilang misyon hangga’t hindi pa nakakaalis ng bansa ang mga delegado.


Inatasan ni Gamboa ang buong kapulisan na panatihilin ang police visibility at kahandaan para tulungan ang mga delegado.

Ang mga police units sa tourist destination sa Luzon at Visyas ay inalerto na rin.

Nagpaalala rin ang PNP na mananatiling suspendido hanggang Sabado ang Gun Carrying Privileges sa ilalim ng Permit to Carry Firearms Outside Residence sa Central Luzon, Calabarzon at Metro Manila.

Kinumpirma rin ng PNP na walang major incident na nangyari sa kasagsagan ng Regional Sports Event.

Facebook Comments