Matinding trapiko, naranasan kasabay ng pagtatapos ng SEA Games  

34

Katakot-takot na trapiko ang naranasan ng mga motorista at commuter sa Metro Manila at North Luzon Expressway (NLEX) kahapon.

Ito’y kasunod ng isinagawang Closing Ceremony ng 2019 SEA Games sa New Clark City Athletics Stadium.


Nagdagdag sa matinding trapiko ang concert ng Rock band U2 sa Philippine Arena na ginanap din kagabi.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, isa pa sa nakikita nilang dahilan ay ang dumaraming bilang ng mamimili o shoppers bunsod ng adjustment ng mall operating hours.

Higit 2,000 MMDA Traffic Enforcers ang ipinakalat para manduhan ang trapiko.

Maliban sa NLEX, naranasan din ang matinding trapiko sa EDSA, Mindanao Avenue, Ortigas, at Cubao.

Facebook Comments

From Advertisers