PNP, tiniyak na hindi lamang sa mga unang araw ng pasukan magpapatrolya upang magbigay seguridad sa mga paaralan

Handang-handa na rin ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng klase sa Lunes, August 22.

Sa panayam ng RMN Manila kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, sinabi nito na nagpapatuloy ang pagpapakalat nila ng kanilang pwersa sa ilang strategic areas kabilang dito ang Divisoria na inaasahang dudumugin ngayong araw.

Ayon kay Fajardo, aabot sa 23,000 hanggang 24,000 force multipliers ang ipapakalat nila upang magbigay seguridad sa nalalapit na pasukan.


Kaugnay nito ay naglatag na rin sila ng police assistant desks sa mga paaralan upang tumugon sa security concerns.

Siniguro naman ng opisyal na hindi lamang sa unang araw ng pasukan makikita ang presensya ng pulis at layunin nilang maisagawa ito sa kabuuan ng school year 2022-2023.

Facebook Comments