Halos 200,000 mga pasahero, patuloy na dumadagsa sa pantalan kaugnay ng pagbubukas ng klase sa Lunes

26

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na halos 200,000 outbound at inbound na mga pasahero ang dumadagsa ngayon sa mga pantalan sa bansa.

Kaugnay ito ng pagbubukas ng klase sa Lunes sa mga pribado at pampublikong mga eskwelahan.

Sa ngayon, halos 10,000 nang tauhan ng Coast Guard ang naka-deploy sa 15 PCG Districts.


Ito ay para mag-inspeksyon sa mga pampasaherong barko at motorbancas.

Mananatili sa heightened alert ang PCG hanggang sa Agosto 29.

Facebook Comments