PNP, tiniyak na magiging payapa ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante

Kasabay nang muling pagbubukas ng klase sa mga paaralan ngayong araw.

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) ang kaligtasan ng mga estudyante.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba handang handa na ang kanilang pwersa para sa “Ligtas Balik Eskwela 2022” kung saan nakakalat ang mga pulis sa mga paaralan at sa lahat ng academic institutions sa buong bansa.


Nakalatag narin aniya ang mga Police Assistance Desks at mayroong police visibility sa mga terminal at iba pang points of convergence.

Samantala, nakipag ugnayan narin ang Pambansang Pulisya sa Department of Education (DepEd) para sa seguridad ng mga mag aaral maging ng mga guro.

Kasabay nito, muling nanawagan ang PNP sa mga magulang at guardians na paalalahanan ang kanilang mga anak hinggil sa Do’s and Don’ts kapag sila ay nasa paaralan.

Facebook Comments