PNP, tiniyak na mananatiling maigting ang kampanya kontra iligal na droga sa susunod na administrasyon

Ipagpapatuloy ng Philippine National Police (PNP) ang maigting na kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang siniguro ni PNP Officer in Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ituloy ng susunod na administrasyon ang kanyang kampanya laban sa droga.

Ayon kay Danao, hindi magpapabaya ang PNP sa kanilang trabaho at mananatilng masigasig sa pagtugis sa mga nasasangkot sa droga.


Ipatutupad umano nila ang “rule of law” at lalaban sakaling may mga drug suspek na manlalaban sa operasyon.

Inirekomenda naman ni Danao na dapat pagtuunan ng susunod na administrasyon ang rehabilitasyon sa mga nasasangkot sa droga.

Dapat aniyang palakasin ng gobyerno ang Drug Abuse Education and Rehabilitation o DEAR campaign.

Giit ni Danao, ang droga ay isang health at crime problem kung kaya’t bukod sa gobyerno ay dapat na tumulong rin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan.

Facebook Comments