Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mapaparusahan ang mga opisyal na sangkot sa illegal mining at illegal logging activities sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, bagama’t hindi pinangalanan ay aminado itong may mga kasalukuyan at dating opisyal at politiko na protektor ng nasabing iligal na gawain.
Sa ngayon, tutukan nila ang pagsasagawa ng imbestigasyon katulong ang Department of Environment and National Resources para masolusyunan ang problema sa kalikasan.
“Rest assured po na part of the efforts ng ating mga imbestigador is to collate and determine yung mga pieces of evidence that would pave the way for the filing of charges against those involved. Of course, with due respect to those companies probably they may also have complied with the enviromental law. Basta kung meron pong mga violations, rest assured na bibigyan ng karampatang atensyon po ito ng ating kapulisan. “ ani USana.
Matatandaang una nang nagsagawa ng 400 anti-illegal operations ang hanay ng kapulisan kung saan halos limang milyong piso halaga ang kanilang nasabat na may kaugnayan sa illegal logging.
Sa katunayan aniya ay may ilang opisyal din ng pulisya ang kasamang nahuli sa mga isinagawa nilang operasyon.
Kasunod nito, nagbaba na ng kautusan si PNP Chief Police General Debold Sinas mga kapulisan na huwag tatanggap o magpapasilaw sa anumang iaalok ng mga sangkot na Local Government Unit (LGU) Officials.
Our Chief PNP is a man of integrity. He doesn’t want our Police Officer not to comply with his instructions particularly sa mga illegal act commited that are mimical to the public as well. So we hope all our commanders on the ground will follow and ensure that the enforcement of laws with regards to illegal logging ay mabigyang pansin po seriously.” giit ni Usana.