PNP, tiniyak na walang mangyayaring arestuhan sakaling umuwi sa bansa si Cong. Teves

Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na malaya pa ring makauuwi ng Piipinas si Negros Oriental Rep. Arnulfo “Arnie” Teves Jr.

Ito’y sa harap na rin ng panawagan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez gayundin ni Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos kay Teves na umuwi na ito sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, wala pa namang inilalabas na warrant of arrest ang korte laban kay Teves.


Dahil dito, hindi pa ito maaaring arestuhin ng mga awtoridad.

Una ng sinampahan ng patong-patong na reklamo si Cong. Teves dahil sa paglabag sa comprehensive firearms and ammunition law gayundin ng illegal possession of explosives matapos ang isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanyang mga tahanan.

Si Teves ay una nang nagtungo sa Amerika para sumailalim sa stem cell therapy pero sa ngayon ay nasa Asya na raw ang kongresista pero hindi tinukoy ng kanyang kampo kung saan eksaktong bansa sa Asya.

Facebook Comments