PNP, nilinaw na 4 lang at hindi 5 ang PNP personnel na nakatalaga kay Gov. Degamo

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo na apat lamang ang PNP personnel o security detail na nakatalaga sa pinaslang na Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Fajardo, haharap sana sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ngayong araw upang magpaliwanag kung bakit tila sabay-sabay na nag-absent ang security detail ni Degamo pero nakansela ang pagdinig.

Ani Fajardo, sa apat na security detail ni Degamo, dalawa rito ang naka-off dahil palitan sila ng duty o shifting habang ang isa ay na-late dahil dumalo sa isang family gathering at ang isa ay naka-duty.


Una nang tiniyak ng PNP na walang mangyayring cover up sa kanilang imbestigasyon at papanagutin nila ang mga dapat panagutin sa krimen.

Una na kasing lumutang ang posibilidad na nakipagsabwatan umano ang mga pulis sa mastermind sa krimen.

Facebook Comments