PNP tiniyak na walang mangyayaring whitewash sa imbestigasyon sa kaso ni Kian Loyd delos Santos

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Phil. National Police na walang mangyayaring whitewash sa ginagawang imbestigasyon ng PNP sa kaso ng pagpatay kay Kian Lyod delos Santos sa Caloocan.

Ito ay kasunod nang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte, na ipapakulong nya ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian delos Santos sakaling mapatunayang may nilabag ang mga ito sa ikinasang operasyon.

Naniniwala si Gen. Carlos na buo pa rin ang suporta ng pangulo sa PNP.


Aniya nanatili ang paninindigan ng Pangulo na susuportahan nya ang mga pulis na magta trabaho ng maayos habang may kalalagyan ang mga pulis na aabuso sa kanilang trabaho.

Samantala humingi naman ng sampung araw ang PNP SOCO para mailabas nila ang resulta ng paraffin test at ballistic test ng tatlong pulis na mismong sangkot sa pagkamatay ni Kian Loyd delos Santos.

Ang mga ito ay kinilalang sina PO3 Arnel Oares PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz.

Sa ngayon ang tatlong ito ay nasa restrictive custody na ng PNP habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang PNP CIDG at PNP Internal Affairs Service.

Facebook Comments