PNP, tiniyak na walang ‘sacred cow’ sakaling mapatunayang may kasabwat si Guo na pulis kaya ito nakalabas ng bansa

Kahit na nahuli na sa Indonesia si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na wanted dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators o POGO operations.

Paparusahan pa rin ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang mapatutunayang tumulong sa pagtakas ni Guo.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, patuloy pa ring iniimbestigahan kung paano nakapuslit palabas ng bansa si Guo na posible umanong dumaan sa backdoor.


Una nang ibinunyag ng kapatid nitong si Shiela Guo na makailang beses silang sumakay ng bangka palabas ng Pilipinas.

Matatandaang ibinunyag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Dir. Winston Casio na isa umanong high police officer ang tumulong para makalabas ng bansa si Guo nuong July 14, 2024.

Facebook Comments