Kumpiyansa ang na matibay ang mga kasong isinampa laban kay Chao Tiao Yumol.
Si Yumol ang lone gunman na sangkot sa pamamaril sa dating alkalde ng Lamitan City Basilan na si Mayor Rose Furigay, kanyang aide at isang security guard sa Ateneo de Manila University noong Linggo.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., malakas ang kaso laban kay Yumol kung kaya’t tiwala silang tatayo ito sa korte.
Kanina ay pormal nang sinampahan ng 3 counts ng murder at frustrated murder in relation to Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act gayundin ng Anti-Carnapping Act of 2016 at Malicious Mischief si Yumol sa QC Prosecutor’s Office.
Sinabi pa ni Gen. Danao na ipinauubaya na lamang nila ang kaso sa piskalya kung iaakyat nila sa korte ang kaso laban sa suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng Quezon City Police District (QCPD) si Yumol at nangako itong nasusunod ang kanyang constitutional rights at wala ring special favors o VIP treatment ang ipinagkakaloob dito.