2 ESTUDYANTE, ARESTADO SA PAGTUTULAK NG ILEGAL NA DROGA SA SOLANA, CAGAYAN

Dalawang estudyante ang arestado sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 2, Basi West, Solana, Cagayan kahapon, Hulyo 25, 2022.

Kinilala ang mga suspek na kapwa 20 tang gulang na sina Vince Marl Carayugan, residente ng Centro, PeƱablaca at Charles Furigay, na residente ng Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang mga suspek ay parehong kabilang sa listahan ng mga Street Level Individuals.

Ayon kay Police Major John B Urani, sa hepe ng Solana Police Station, bumagsak sa kamay ng PNP ang dalawang suspek matapos magbenta ng isang pakete ng iligal na droga sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ni Furigay ang labindalawang (12) pakete ng iligal na droga; itim na motorsiklo; buy bust money samantalang isang cellular phone naman ang narekober mula kay Carayugan.

Tinatayang nasa humigit kumulang 35,000 pesos ang halaga ng nakumpiskang kontrabando kabilang ang nasa isaā€™t-kalahating gramo ng Shabu.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments