PNP, tuloy ang pagbabaklas ng mga illegal campaign materials

Isang linggo bago ang araw ng eleksyon.

Dumami pa ang illegal campaign materials na binaklas ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) kasama ang mga kinatawan ng Commission on Elections o Comelec.

Ayon kay PNP Chief Colonel Bernard Banac, madadagdagan pa ang kukumpiskahin nilang poster na wala sa tamang sukat at hindi nakalagay sa common poster area kung mananatiling matigas ang ulo ng mga kandidato.


Simula January 13, 2019 sa pagsisimula ng election period hanggang nitong May 3, 2019 nakumpiska na sila ng 245,716 illegal campaign materials sa inilunsad na 12, 616 na operasyon.

Apela ni Banac, sa mga kandidato at mga taga suporta nito, sumunod sa alintuntunin ng Comelec at magpakita ng disiplina.

Giit naman ni Banac na wala silang kinikilingan sa pagbabaklas partido man ng oposisyon at administrasyon, ay binabaklas nila ang mga campaign materials na wala sa common poster areas.

Facebook Comments