PNP, tuloy ang pakikipagdayalogo sa mga school administrators para sa latag ng seguridad ngayong pasukan

Pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ugnayan sa mga school authorities bilang preventive security measures ngayong nalalapit na ang pagbubukas ng klase.

Ito ay kasunod na rin ng nangyaring pamamaril noong Linggo sa Ateneo de Manila University kung saan 3 indibidwal ang nasawi kasama ang dating alkalde ng Lamitan, Basilan.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., tuloy ang dayalogo nila sa mga stakeholder at kanilang ipiprisinta ang kanilang detailed security plans upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.


Sinabi pa ng PNP chief na dapat mahigpit na ipatupad ang mga safety measures upang hindi makapasok ang mga unauthorized person sa mga paaralan.

Samantala, agad ding tumalima ang Pambansang Pulisya sa panawagan ni Vice President Sara Duterte na bigyang diin ang kahalagahan at awareness hinggil sa gun violence.

Facebook Comments