PNP Tumauini, Naging Abala sa mga Isinagawang Seminar

Tumauini, Isabela- Naging abala ang PNP Tumauini ngayong Christmas break sa pagsasagawa ng mga lectures sa mga kabataan sa kanilang bayan.

Ito ang inihayag ni Tumauini, Isabela Chief of Police Noel Magbitang sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News.

Magmula noong Disyembre 23, 2017 ay apat na mga lectures ang ginawa nila sa Barangay Lapogan Community Center, Barangay Pilitan Community Center at Bayabo Barangay Community Center.


Layon ng kanilang isinasagawang seminar ay para bigyan ng kaalaman ang komunidad kaugnay sa salot na dulot ng droga at nakadiin ito sa masamang epekto nito sa kaisipan, pisikal at panglipunang kalagayan ng sinumang magugumon dito.

Kanya ding ibinahagi na isinasabay nila sa seminar ang pagpapaalala sa mga kinakailangang hakbang upang maiwasan ang disgrasya sa paggamit ng paputok ngayong pagsalubong ng bagong taon.

Magiging tuloy-tuloy aniya ang mga ganitong aktibidad ng kanilang hanay sa mga barangay at eskuwelahan upang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan mula sa mga masasamang impluwensiya.

Sabi pa ng hepe na sila ay magpapaabot ng imbitasyon sa mga Punong Barangay bago mag bagong taon at kanilang tatalakayin ang laman ng Executive Order no.28 o “Regulation and Control of the Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices” kung saan ay nakasaad dito ang pagkakaroon ng firecracker zone sa kada lugar para maiwasan ang disgrasyang puedeng idulot ng paputok.

Facebook Comments