PNP, tumutulong na rin sa pursuit operations laban sa mga responsable sa pagpapasabog sa Maguindanao

167

Tinutugis na ngayong ng pulisya at militar ang mga responsable sa pagpapasabog sa Shariff, Maguindanao na ikinasawi ng isang sundalo at pagkasugat ng apat pa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Col. Ysmael Yu, ang mga Police Commandos ngayon ang tumutulong sa militar para tugisin ang mga may kagagawan sa pagsabog.

Aniya, mismong iniutos ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan kay bagong talagang PRO-BAR Regional Director Police Brig. Gen. Samuel Rodriguez na paganahin ang maneuver units para sa ginagawang tactical operation laban sa mga suspek.

Sa ulat ng PNP mga alas-8:00 ng gabi kagabi, habang sakay ng military truck ang mga miyembro ng Philippine Marines para tugisin ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Brgy. Salman nang pasabugin ng mga suspek ang bahagi ng provincial road ng Shariff Aguak Maguindanao.

Dahil dito, agad nasawi ang isang sundalo at nasugatan ang apat pa.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at militar sa pinangyarihan ng pagsabog.

Facebook Comments