PNP, tutulong sa imbestigasyon sa nawawalang 35 Million pesos na reward money para sa Batocabe-Slay Case

Tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa anumang imbestigasyon ukol sa umano’y nawawalang 35 Million Pesos na reward money.

Ito ay para sa ikareresolba ng kasong pagpaslang kay dating Ako-Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay PNP Spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac, mayroon silang mga dokumento na magpapatunay kung kanino at saan napunta ang mga pabuya.


Ang PNP-CIDG ang siyang nanguna sa pagbibigay ng reward money.

Nailaan na rin sa informants ang reward money na nalikom sa office of the President Congress at Local Government Unit (LGU) ng Albay.

Nilinaw din ng PNP na walang kinalaman ang kanilang hepe na si Police Gen. Oscar Albayalde sa distribution ng reward money.

Facebook Comments