PNP, tututukan ang mga teroristang idineklara ng Anti-Terrorism Council

Walang special operations, pero mas pagtutuunan ng pansin ng Philippine National Police (PNP) ang mga nasa terror list ng Anti-Terrorism Council (ATC).

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, sa ngayon tatalima lamang sila sa pinagbatayang ebidensya ng ATC para sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga ikinonsiderang terorista sa bansa.

Sinabi ni Eleazar, na kahit hindi terorista basta may kaso at may warrant of arrest ay awtomatikong subject ng manhunt.


Pero, dahil nailabas na ang terror list ay mas tututok sila sa mga ito.

Matatandaang una nang nagpahayag ng suporta ang Armed Forces of the Philippines sa desisyon ng ATC na nagdedeklara kay Communist Party of the Philippines (CPP)-Founding Chair Jose Maria Sison at 18 iba pang opisyal ng CPP-New People’s Army (NPA) bilang mga terorista.

Facebook Comments