PNP, umaapela sa mga magkakasa ng tigil-pasada na huwag mang-harass ng kapwa nila tsuper na ayaw makiisa sa transport strike

Nakikiusap ang Philippine National Police (PNP) sa mga magkakasa ng tigil-pasada na huwag mamilit ng mga ayaw sumali o makiisa sa transport strike.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office (PIO) Chief, PCol. Jean Fajardo dahil ayaw naman nilang humantong sa arestuhan ang paghahayag ng saloobin ng mga tsuper bilang bahagi naman ito ng demokratikong proseso.

Kasunod nito, muling tiniyak ng pambansang pulisya na nakahanda ang kanilang mga tauhan at asset para sa ikakasang tigil-pasada ng grupong PISTON at MANIBELA simula ngayong araw.


Ani Fajardo, handa ang PNP na umalalay sa mga mastranded na mga pasahero sa pamamagitan ng libreng sakay.

Ang transport strike ay laban sa deadline ng franchise consolidation pagsapit ng ika-30 ng Abril bilang bahagi ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program na syang magphe-phase out sa tradisyunal na mga jeepney.

Facebook Comments